Last Holy Week I went on leave for 12 days! Ang haba noh? at nung mga panahong yon simple lang ang pangarap ko sa bahay. Yes, you read it right! PANGARAP sa BAHAY. Ito din yung araw-araw ko hiling at pangarap lol.
Na sana laging malinis ang lababo at walang hugasan.
Na sana maubos ang mga labahin at walang matirang tiklupin.
Na sana laging walang kalat ang sahig at bagong basahan.
Na sana laging malinis ang hapag kainan.
Na sana matapos kong linisin ang ref.
Na sana maghapong maayos ang mga laruan.......pero hanggang pangarap lang pala talaga ako! hahaha!! Sa tagal kong nagbakasyon wala namang natupad sa mga pangarap ko o kung meron man wala pang isang oras balik normal sila. hahaha!
These are dreams that most moms would wish everyday pero ako lang ba ang hindi nakaka achieve nitong mga pangarap na to? parang napakahirap abutin at imposibleng matupad :) o well siguro kung meron akong katulong pwede naman pero sadyang hindi ko pa natatagpuan ang matagal ko ng hinahanap na katulong sa bahay :).
Importante naman talagang laging malinis ang bahay at paligid pero sadyang may mga araw na hindi ko na alam kung anong uunahin kong gawin. Sad truth is hindi ako talaga mahilig sa mga gawaing bahay LOL. Ako lang b yung nanay na ganito ? Ako lang ba yung tamad na nanay? wag mo naman akong taasan ng kilay haha tamad ako sa gawaing bahay pero hindi ako tamad magtrabaho at negosyo para may pangkain kami sa araw-araw. I'm blessed by God with a significant other who is willing to do anything for me and for the kids mula sa paglilinis ng bahay hanggang sa paglalaba ng damit. Dahil kung parehas kaming tamad sa gawaing bahay mabubulok nalang siguro ang bahay namin lol.
Hindi man natupad tong mga pangarap ko habang nakabakasyong ako ang importante mas nakapag spend ako ng time kay Ate Kyla, Niela at Kael. Time is the most precious gift I could give them. Kasi sa mga susunod na taon pag malalaki na sila for sure kahit gusto pa natin silang isama sa lahat ng lakad natin sila na mismo ang aayaw kasi may mga sarili na silang mundo by then, :)
Ikaw Mamshie, Anong mga pangarap mo sa bahay? Ano yung araw araw mong wish na parang mahirap matupad?
Thanks for droppin by to read my kwentong bahay.
Happy Mother's Day sa lahat ng mga Nanay na paulit ulit naglilinis ng bahay, paulit ulit na naghuhugas ng mga pinagkainan, paulit ulit nagwawalis at nagbabasahan at paulit ulit na nag aalaga sa mga anak kahit minsan sila ay pasaway!
Cheers to all of us!
God Bless!
Mommy Dane :)