Sabado, Hulyo 4, 2020

Happy 14th Birthday Kyla!

   Parang kailan lang tinatago pa kita sa sinapupunan ko.
Parang kailan lang araw araw akong nakapajama para maitago ang paglaki mo.

Parang kailan lang anim na buwan kitang inilihim sa buong mundo.

At parang kailan lang wala pang direksyon ang buhay namin ni didi.

 Proud ako na hindi naging hadlang yung edad namin ni Didi para maitaguyod ka namin. Hindi man marangya ang buhay natin pero maayos at marangal (sobra sobra na yun).


 Ang bilis ng panahon anak! Ang dami na ding nagbago sa buhay natin. Fast forward today. Happy 14th Birthday Michael Danes! Thank you for continiously trying to be better everyday! Salamat kasi kahit may mga oras na tinatamad kang tumulong magluto e sumusunod ka pa din sa utos namin ni Didi. Lagi lang kaming andito para sayo at lahat ng hiling mo unti unti naming ibibigay sayo. Mahal ka namin! Wag matigas ang ulo kasi lahat ng mga nararanasan mo ngayon ay pinagdaanan na namin.

Lagi mong tatandaan na walang magulang ang gugustuhing mapahamak ang anak.

We love you and Happy Birthday again!

                                                     Lovelots,
                                                         Nini

#TeamANDRES

Naka-feature na Post

Why I love BREASTFEEDING!

Hi Mothers! I'd like to share lang some reasons why I love BREASTFEEDING For sure you guys have your own reasons as well pero these ...