Lunes, Enero 21, 2019

My Million wishes.....

Pag nanay ka na marami ka talagang hiling na kahit minsan imposible na patuloy mo pa ring hihilingin kasi lagi kang umaasa na milagro.


Ang bata ko pang naging Nanay pero hanggang ngayon everytime na may sakit ang isa sa mga anak ko parang 1st time pa din pakiramdam ko. Ang oa ko na ba? Pero ganto talaga ko ee lol. Mas gugustuhin kong maging Oa kesa magsisi ako sa huli.

Ang dami ko ding wish everyday. Ikaw din ba ganito?

Na sana laging healthy si Kyla, Niela at Kael. Matic naman na yata to.

Na sana laging healthy si Mama, papa, mga kapatid ko pamangkin at ang mga byenan ko at mga mahal ko sa buhay.

Na sana dumating yung isang araw na pwde ko ng maalagaan mga anak ko 24/7.


I know just like me maraming nanay na may million wishes din.

It is my everyday wish to  finally be a stay at home mom and just be with my kids 24/7 to watch over them, para maging best nanay sa kanila, para andun ako lagi sa tabi nila anytime na kailangan nila ko, pero wish ko lang yan sa ngayon dahil marami pa kaming kailangang ayusin para mangyari yan.

At isa pang malaking sana ko.. na sana sa mga panahong wala ako sa tabi nyo para ihele kayo pag inaantok kayo o kaya ipagtimpla kayo ng gatas pag nagugutom kayo o kaya pag need nyo ng katulong sa assignments nyo sa sa school sana hindi sumagi sa isip nyo kahit isang beses na walang kwentang Mommy si Nini. Sadyang may mga pagkakataon lang na kahit gusto kong gawin lahat yan para sa inyo ee antok at pagod na si nini sa work or kakaluto ng mga orders ng dynamite at mga pasta sa bilao.

Kasi niisip ko lagi na sana makaipon na kami ni Didi ng mas marami para maging big time na yung business natin tas pwde na kami mag stop mag work at mg focus sa business para mas mabantayan namin kayo pero sa panahon ngayon wish muna namin yun. Kaya nga madalas kahit pwde namang wag na ko mag accept ng orders go pa din para sa future nyong 3. Laban lang tayo! Sorry pag nagiging monster mom ako sa inyo pag pagod na ko. Ang kukulit nyo naman kasi mahirap mag alaga sa inyo habang natutulog ako. Lol! Kahit na masungit ako minsan Promise pinakalove ko kayo.

Isa din sa mga sana ko at lagi kong pinagdadasal na Sana magkaron ako ng power to protect you from any harmful sickness kasi talagang na iistress ako sa twing may sakit kayo.   Kung nahihirapan kasi kayo mas doble yung hirap at sakit para samin ni Didi.

Kagaya nalang last sunday night, we rushed Niela to the Er kasi ng nonosebleed sya at mataas ang lagnat e twice na si Niela na magka dengue so talagang natakot ako at sabi ko Lord sana po hindi dengue kasi tong mga nakaraang araw at buwan talagang harmful dengue cases. It scares me so much. Lumalabas pagka OA ko sa mga sitwasyong ganito.

While waiting for her lab results 



It was past 4am when the doctor informed us na negative naman sya sa dengue ayun nawala yung malaking bato na parang nkadagan sakin. Viral infection lang daw kasi okay results ng lahat ng lab.

Mas nalungkot ako kasi may dance presentation sa school si Niela at ilang araw na syang sinasamahan ni Didi na magpractice ng sayaw. Effort pa nga si Didi sa pagvideo sa kanya kasi 1st time myang pumayag na sumali sa presentation dahil napakamahiyaing bata. Ang ending hindi rin nakasayaw at mataas pa din fever at masakit daw ulo nya.

Up until today she is sick kaya mamayang onti balik kami sa pedia to make sure na ok lang sya.

Sana gumaling na sya kagad para hindi na ko magwoworry habang asa work ako. Sana mas maging okay na sya.

This is one of the most painful part of being a nanay noh..  yung tipong gusto mong asa tabi ka lang nya but you cant kasi nga need mo magwork. Wag mo kong ijudge habang binabasa mo to lol. Mayat maya ko naman syang chinecheck to make sure she is okay.

Haist.. Sana lahat ng wishes ko matupad na. Most especially na gumaling na si niela. Pagdasal mo din fast recovery nya ah..

Salamat sa time...

Mommy Dane 😃😃😃
#TeamANDRES

Walang komento:

Naka-feature na Post

Why I love BREASTFEEDING!

Hi Mothers! I'd like to share lang some reasons why I love BREASTFEEDING For sure you guys have your own reasons as well pero these ...